Monday, May 30, 2005

one step back

who says you need alcohol to deal with problems?!?! hahaha!!

one step back. that's probably the best way to go.

everyone needs some space sometimes, including myself, i guess...
had a fun time during the weekend. got to watch a movie (the first one for the year, i think), had some cheap coffee, and a very interesting conversation (it was about "language of love"). perhaps i'll write it down some other time, when i'm not swamped with work. hehe.
went out with HS friends on saturday. it was crazy due to the following reasons:

1.) it was short-noticed - i dunno what's up with us, but short-noticed, sponteneous gatherings tend to work more for us, rather than planning ahead. winnie texted me at around 2pm, saying that she wanted to meet up. the next thing i know, we were like 6-7 people talking at mocha blends two hours later.

2.) it was unplanned - jack was asking me over the phone on what we were going to do. i have absolutely no idea. then we found ourselves having dinner and beer over at some bar at bocaue.

3.) it laste 'til sunday morning - i thought it was over when the rain stopped and dinner was finished, but NO. we continued chatting and reminiscing HS life at winnie's house.

plain crazy. hahaha!!

slept my way through sunday. glad it wasn't as hot as the previous days.

now i know what to do. i didn't notice that i have other important people in my life. thanks a lot, guys.

Tuesday, May 24, 2005

masaya sana

eto ka na naman...
magpapalitan na naman tayo ng yakap at halik sa pisngi. kukumustahin ang isa't-isa. mag-aasaran. magkukwento ng mga bagay na napag-usapan na rin natin sa e-mail. bubulong ng mga bagay na ayaw nating marinig ng iba. ganun tayo palagi.

hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit kelangang maging ganito tayo kalapit sa isa't-isa. hindi naman sa nagrereklamo ako. masaya ako na nakilala kita. masaya ako na naging magkaibigan tayo. masaya ako na naging malapit tayo sa isa't-isa. masaya ako na sa akin mo ipinagkakatiwala ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili na hindi mo masabi sa iba. na ako ang hinahanap mo kapag gusto mong magkita muna sa isang lugar dahil takot kang maligaw sa pupuntahan mo. na ako ang iniistorbo mo kapag nababato ka na sa trabaho. na palagi kang nakikipagpustahan ng kape at palagi akong may utang sa'yo sa tuwing pupunta tayo sa starbucks. masaya ako sa kung nasaan tayo ngayon. kung nasaan ang pagkakaibigan natin ngayon. totoo.

pero...

unti-unting bumabalik sakin yung mga panahong nahulog ang loob ko sa'yo. nung una tayong nag-usap habang nagcocompute ng minutes ng tambay hours sa mesa ng FOPC. nung palagi kitang kasabay kumain ng tanghalian, at gumawa ka ng batas na kung sino man ang sasabay kumain sa'yo eh kelangang magsabi ng isang sikreto tungkol sa kanyang sarili. nung sabay tayong tumakbo sa student council at pareho nating sinabing para tayong kumuha ng batong ipupukpok sa ulo natin. nung nagkwento ka tungkol sa dati mong relasyon, at kung gaano ka kalungkot sa sitwasyon mo noon. nung kinukwento mo pag may bagong nahuhumaling sa'yo. nung minsang nainis ka sa isang kakilala na hindi nagsauli ng notebook mo. nung nagmimirienda tayo sa 3rd floor ng BA. nung pinanghihinaan ka ng loob na tumakbo bilang presidente ng statsoc. nung minsang lasing ka at tinanong mo kung bakit parang walang respeto ang mga miyembro sa'yo. lahat ng ito, dahan-dahan na namang ginagamit ng pasaway kong puso para lasunin ang isip ko.

pasensya na. hindi lang kasi ako sanay...

hindi ako sanay na makipag-usap sa'yo sa e-mail buong araw sa loob ng isang linggo. hindi ako sanay na humihingi ka ng pabor na hindi mo hinihingi dati. hindi ako sanay na sa akin ka nagpapasama kapag magbabadminton, o kaya para maglibot sa UP fair, o kaya ihatid ka sa kabilang kalsada at hintaying makasakay pauwi. hindi ako sanay na hinahayaan mong alagaan kita. hindi ako sanay na hinahayaan mong mahalin kita. hindi tayo ganito dati. malayung-malayo ito sa kinagisnan kong pakikitungo mo sakin.

gusto kong maniwala na minsan ko nang nalampasan ang sitwasyong ito. sinabi na sa akin ng isang kaibigan dati na naka-move ne na ako. pero sa mga nangyayari ngayon, parang hindi naman talaga ako naka-move on. nagawa ko lang sigurong tanggapin na iba ang mahal mo. siguro nagawa kong maging masaya dahil alam kong masaya ka rin. yun naman kasi ang mahalaga para sa akin - ang makita kang masaya. siguro nagkamali yung kaibigan ko nang sabihin niyang wala ka na sa sistema ko. ayokong isisi sa'yo kung bakit hindi ko magawang magmahal ng iba. pakiramdam ko kasi niloloko ko lang ang sarili ko kung maghahanap ako ng iba gayong ikaw ang laman ng puso ko. hindi rin siguro tama na hanapin kita sa ibang tao. alam kong mali kaya lang hindi ko magawang patinuin ang puso ko. patawad, pero hangga't hindi ko kayang maniwala na makakahanap ako ng mas hihigit sa'yo, sa palagay ko hindi muna ako maghahanap.

alam ko rin na walang patutunguhan ang damdaming ito. ang kaya mo lamang isukli ay ang pagmamahal ng isang kaibigan. masaya ka sa piling nya. nakikita ko yun sa mga mata mo. hindi mo alam kung ilang ulit kong hiniling sa langit na sana ako na lang yung nagpapasaya sa'yo. alam kong masisira lang ulit ang pagkakaibigan natin kapag sinabi ko sa'yo ang lahat ng ito. maswerte ako na binigyan mo ako ng pagkakataon para isalba ang halos mawala nating pagkakaibigan mahigit dalawang taon na ang nakakalipas, at gaya ng sabi ko, masaya ako na mas malapit tayo sa isa't-isa. maraming salamat sa pagkakataong binigay mo para maayos ito. maraming salamat din sa mga sandaling pinagsamahan natin. kahit gustuhin ko sigurong kalimutan yun, hindi ko magagawa. masaya ako na mayroon akong ganung mga alaala. sana lang hindi sya matapos. sana patuloy pa rin tayong magpalitan ng yakap at halik sa pisngi, kumustahin ang isa-isa, mag-asaran, magkwentuhan ng mga bagay na napag-usapan na rin nating sa e-mail, at magbulungan ng mga bagay na ayaw nating marinig ng iba.

masaya sana yun... kaya lang may konting problema...
mukhang mahal na naman yata kita.

################################
i need to get out of this mood...

Monday, May 16, 2005

my drug-filled week

this is probably the worst flu i've had...

as i write this down, i am sniffing so as not to let anything drop from my nose. as of this writing, i'm suffering from sinusitis (screw the spelling). its 10am, and things in the office are like what they always were - boring.

no one has called yet. none of my bosses are looking for me. i doubt if that guy from the OUR is in. maybe i'll call him now

*pauses to make a call*

*hangs up*

phone lines are screwed. feh.

shiela told me i should have stayed home and rest, as i am still ill. maybe i should have... but its already mid-may. and models aren't established yet. looks like i'll be staying 'til the 25th of june afterall...

i've had 6 different types of drugs in a span of 4 days; including pain killers and antibiotics. i still feel like crap. and i'm worried about my liver already. i haven't had that much simultaneous drug intake ever. i guess i have to watch something else aside from my heart...